Lalaki sa Espanya na nakasuot ng sapatos na may takong nakamit ang titulo sa pagtakbo ng 100-m sprint

Kalimitan ginagamit ang sapatos na may takong ng mga kababaihan sa mga beauty pageants, trabaho, at iba pa para mas gumanda ang postura at kahit papaano nakatutulong din upang madagdagan ang height na medyo kinulang.

Ngunit, kamakailan isang lalaki sa Espanya ang nakasungkit ng world record matapos na makumpleto nito ang ng ilang segundo lamang ang 100-meters sprint habang nakasuot ng sapatos na may takong.

Kinumpirma rin ito ng mga tagapamahala ng Guinness organization na ang tubong Espanyol na serial record breaker na si Christian Roberto Lopez Rodrigues ang kasalukuyang may hawak ng titulong “Fastest 100-meters in high heels”.

Ang nakamamangha pa dito ay napalitan nito ang kamakailan humahawak ng titulo na si Usain Bolt na nalagpasan niya ng 3.24 seconds at kabuohang 12.82 seconds na kabuohang bilang sa pagtakbo.

Ayon kay Rodrigues ginagawa niya umano ang paglahok sa mga 100-meters sprint upang magsilbing isa sa mga inpirasyon sa mga kapuwa mayroong diabetes na posible umano gawin pa rin ang mga mahihirap na pisikal na mga aktibidad na kalimitang nahihirapan ang may karamdaman nito.

Maliban pa riyan, nakapagtala na rin si Rodrigues ng marami pang world record gaya na lamang ng Fastest 100m in clogs,Fastest 100m run backwards, Fastest 100m balancing a baseball bat on a finger at marami pang iba.|WENCY LISAY