Anak ni dating BM Causing, papalit sa kanyang pwesto

KORONADAL CITY- ANAK ni dating Board Member Lyndale Causing na si Alicia Nicole Causing ang papalit sa nabakanteng posisyon sa Sangguniang Panlalawigan ng South Cotabato.

Ito ang kinumpirma ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr, Presidente ng Partido Federal ng Pilipinas o PFP, ang politicial party ni Causing.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ayon sa gobernador na nakapagsumite na ang kanilang partido ng rekomendasyon sa Office of the President at hinihintay na lamang ang tugon Executive Secretary kaugnay sa appointment ni Causing.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Inaaasahan na susunod na linggo, makakapanumpa na sa pwesto si Alicia Nicole Causing bilang board member ng segundo distrito ng South Cotabato, kapalit ng kanyang namayapang ina.