2 kabataang bicolano, itinanghal bilang Outstanding Filipino Youth of the Year sa katatapos lamang na 4th Asia Pacific Luminare Awards

BICOL— Dalawang kabataang Bicolano ang nag-uwi ng prestehiyosong parangal matapos ang mga itong itanghal at kilalanin bilang Outstanding Filipino Youth of the Year sa katatapos lamang na 4th Asia Pacific Luminare Awards na ginanap sa Okada, Manila.

Isa sa mga ito ang SK Chairman ng Brgy. Caragnag sa bayan ng San Andres, Catanduanes na si Joal Cocjin na dati nang kinilala dahil sakanyang hindi matatawarang proyekto at mga aktibidad sa mga kapuwa kabataan sa islang lalawigan.

Kabilang sakanyang mga isinulong na proyekto ay ang Project Tabang, Adopt a Family Program; Project Kabataan – Kalinga sa bawat bata habang naging aktibo rin ito sa pagtugon sa pangangailangan ng kanyang mga kabarangay sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic at maging ang programang Tindog Catanduanes na inilunsad matapos na manalasa ang bagyong Rolly sa islang lalawigan nitong nagdaang taon.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Tumanggap rin ng nasabing parangal si Luis Magdamit, isa ring Youth Leader at Youth Advocate mula naman sa bayan ng Pasacao sa Camarines Sur.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ayon kay Luis, ipinapangako niya ang patuloy na pagsulong ng mga adbokasiya para sa kapuwa kabataan sakanilang komunidad at ang kanyang pagtanggap ng parangal ay simula pa lamang ng marami pa niyang hakbangin upang maisulong at mapalakas ang karapatan at kapakanan ng kabataang Pilipino.

Si Luis ay kasalukuyang nag-aaral sa Central Bicol State University of Agriculture sa bayan ng Pasacao sa kursong Edukasyon at nakilala dahil sakanyang isinulong na mga proyekto sakanilang komunidad tulad ng “Tindog Dalupaon”, “Project Libro- Donate a book, Change a life”, “Sagip Dagat” at marami pang iba.###