Mga indigent o mahihirap na residente ng Iriga City, hindi sisingilin sa bagong bukas na Dialysis center

NAGA CITY—Walang babayaran kahit piso ang mga indigent o mahihirap na residente sa pag-avail ng serbisyo sa bagong bukas na Dialysis Center sa Iriga City.

Ito inihayag sa publiko ni Iriga City Mayor Madel Alfelor matapos ang pagpapasinaya at pagbubukas operasyon ng naturang Center kamakailan.

Aniya malaking tulong ito sa mga kababayang Irigueños o para sa lahat ng nangangailangan ng libre o abot-kayang pagpapagamot sa buong Rinconada at sa kalapit bayan naturang distrito

Read More:  After armed clash in Negros town, civilian taken into custody, then released

Libre ang paggamit ng Dialysis Machine sa lahat ng indigent habang aabot na lang sa P-200 hanggang P-800 sa mga hindi indigent na miyembro ng Philhealth.

Ani pa Alfelor ang lahat ng equipment o kagamitan ay pawang mga digital na kung saan ang kada equipment ay tinatayang nagkakahalagang P-1.8M.

Read More:  IBON: Negros produces the most sugar, yet 3rd poorest

Sa ngayon mayroong 17 Dialysis Machine ang nasabing center.

Ang dialysis ay isang artipisyal na proseso na tinatanggal sa katawan ang mga produkto ng metabolismo at sobrang tubig. Ito ay panligtas-buhay sa mga taong may permanente o panandaliang paghina ng kidney na tinatayang aabot sa P-7,000 per session ang halaga ng naturang serbisyo.