KORONADAL CITY — ARESTADO ang dalawang driver sa magkahiwalay na drug buy-bust operation ng mga otoridad kahapon ng hapon sa Purok Maligaya, Barangay Carpenter Hill, nitong lungsod.
Sa isang operasyon, nahuli si Michael Ali Macabuat Alias “Dhatz”, 37-anyos, binata at residente ng Purok Maharlika, Barangay Saravia na nakuhaan ng dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu at P500 na buy-bust money.
Sinundan ito ng pagkahuli ng isa pa na kinilalang si Sahrani Bagundang Mangatong Alias “Poloy”, 37 anyos may asawa, at residente ng Barangay Poblacion, Buluan, Maguindanao na nakuhaan din ng dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu at P500 na buy bust money.
Sa ngayon ay nakakulong na ang dalawang suspek sa detention facility ng Koronadal City at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.
