LEGAZPI CITY – Inihayag ni Ronald Realosa ang Covid 19 Core Team ng Local Government Unit (LGU) Oas na hindi pa gaano karami ang kanilang nababakunahan sa A2 priority group sa nasabing bayan.
Ayon kay Realosa, mababa pa rin ang kanilang nababakunahan kung saan nasa 40% pa lang ito kumpara sa ibang priority group na halos marami rami na ang kanilang nabakunahan.
Isa sa dahilan, ang nananatiling takot magpabakuna.
May mga malalayong barangay pa rin ang hindi nakakaalam umano tungkol sa kahalagahan ng bakuna laban sa covid 19.
Dahil dito, nagpapatuloy ngayon ng information dissimenation campaign sa mga senior citizen ang lokal na gobyerno upang maabot na nila ang target population at kaligtasan ng bawat pamilya.
Tinatayang nasa mahigit sa 6K na ang nababakunahan na senior citizens.
Sa ngayon nasa mahigit 14K ang A1 hanggang A5 priority group ang nabakunahan na sa bayan ng Oas.