2 bata, patay sa pananaksak ng sariling ama sa Baras, Catanduanes

BICOL— Idineklarang dead on arrival sa ospital ang magkapatid na  batang babae edad walo at siyam na taong gulang matapos ang mga itong pagsasaksakin patay ng sariling ama sa Brgy. Western Poblacion, Baras Catanduanes.

Batay sa ulat ng Baras Municipal Police Station, isang report ang natanggap nila mula sa isang ginang alas 10:30 nitong Lunes ng gabi, kung saan isinumbong nito ang paglalaslas ng kanyang asawa na siya ring suspek sa nasabing krimen.

Agad na rumesponde ang mga personahe ng nasabing himpilan sa lugar na pinangyarihan ng insidente ngunit nakahandusay at duguang katawan ng mga batang babae ang kanilang nadatnan dito.

Read More:  Top NPA leader killed in Surigao del Sur encounter

Nang susubukan na sanang arestuhin ng mga pulis ang suspek na kinilala sa alyas na “Rol, 45-anyos” , nanlaban umano ito at inatake ang mga otoridad gamit ang kutsilyo na siya ring ginamit nito sa pamamaslang sakanyang sariling mga anak, rason upang mapilitan ang PNP na paputukan ng baril ang suspek sa kanang bahagi ng hita nito.

Pare-parehong isinugod ang mga biktima at suspek sa Bato Maternity Hospital ngunit hindi na pinalad pang mabuhay ang dalawang bata bunsod ng malalang tama sa katawan na tinamo ng mga ito habang nagpapagaling naman sa ospital sa bayan ng Virac ang suspek.

Samantala, sa ekslusibong panayam ng Brigada News FM-Bicol kay Police Corporal Edwin Molod ng Baras MPS, tila nasa impluwensya ng alak ang suspek nang gawin nito ang krimen at sa ngayon ay isinasagawa pa ang malalimang imbestigasyon ukol dito.###