Byudo arestado dahil sa kasong 2 counts of Rape at Acts of Lasciviousness

CAMARINES NORTE – Isang byudo ang inaresto ng pinagisang pwersa ng mga otoridad sa isinagawang manhunt operation nitong Hunyo 1, 2021 dakong alas 6:15 ng gabi sa Purok 4, Barangay V, Daet, Camarines Norte.

Ang akusado ay nakilalang si EDGARDO DELOS SANTOS y Mena aka Ega, 58 taong gulang at residente ng nabanggit na lugar  

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Si Delos Santos ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong dalawang (2) counts of Rape thru Sexual Assault in Relation to RA 7610 and Acts of Lasciviousness in Relation to RA 7610 na may mga numerong 21021, 21022 at 21023 na ipinalabas ng Regional Trial Court, Branch 5, Daet, Camarines Norte sa petsang May 25, 2021 at may rekomendadong piyansa na nagkakahalaga ng isang daan walumpong libong piso (Php180, 000.00) bawat isa.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ang arestado ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng Daet MPS para sa kaukulang disposisyon.