7 contribution evaders na inisyuhan ng billing letters ng SSS Naga, may 15 araw na lamang na palugit

NAGA CITY – Binibigyan na lamang 15 araw na palugit ang pitong contribution evaders na inisyuhan ng billing letters ng Social Security System Naga nitong nakaraang Biyernes sa Barangay Balatas, Naga City.

Ayon kay Claribel Rebueno, Branch Head II ng opisina, ito’y mga kainan, convenient store, resto at hotel, dahil sa non remittance o hindi pagbayad, at non reporting o hindi pagrereport sa kahilingan ng opisina na dapat nilang ma-comply sa loob ng ibinigay na palugot dahil kun hindi diretso sa legal officer at pupwedeng mabigyan ng demand letter

Sinabi naman ni Nono Santiago III, Section Head – Accounts Management Section, tinutulungan ang mga employer na makapagbayad sa pamamagitan ng maaari ang installment lalo na hindi lahat ay nakakalimutang makabayad kundi sa ang iba ay nagigipit at naiintindihan nila

Dagdag pa ni Ma. Gracia Sanao, Assistant Branch Head, hindi para ipahiya bagkus pagpapa-alala ito na ang SSS ay seryoso at pagpapa-alala na rin sa mga empleyado na sila ay may obligasyon din sa SSS sa paraan ng pagbabayad ng kontribusyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *