SORSOGON CITY – Pinabulaanan ni 1Sambayan-Sorsogon Spokesperson Fernando Balmaceda ang mga ispekulasyon na ang kanilang grupo ay ang mismong partido liberal at nagbago lamang ng pangalan.
Bagama’t aminado ang opisyal na mayroong mga leader ang 1Sambayan na malapit o dating opisyal ng liberal party at ng mga nakaraang administrasyon, siniguro nito na ang kanilang grupo ay purong united opposition lamang.
Ibig umanong sabihin nagkakaisa lamang sila sa iisang layunin na magkaroon ng mga bago at tapat na mamumuno sa bansa.
Ito aniya ang dahilan kung bakit lahat ng mga sektor, indibidwal at grupo na naniniwala sa adhikain ng 1Sambayan ay hindi nila pagkakaitan ng pagkakataong makabilang sa grupo.
Una rito, naniniwala si Balmaceda na ang nasa likod ng mga nasabing pagpapakalat ng maling impormasyon ay ang mga trolls ng kasalukuyang administrasyon.

