CAMARINES NORTE- 79 na panibagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa lalawigan ng Camarines Norte ngayong araw, pinakamataas na bilang na naitala mula ng maranasan ang pandemya
Ang mga bagong kaso ay naitala mula sa 12 bayan ng lalawigan
Nangunguna sa may pinakamaraming bagong kaso ang bayan ng Daet na may 24, tig-17 kaso naman ang nagmula sa bayan ng Basud at Labo, tig -5 kaso ang nagmula sa bayan ng Jose Panganiban at Talisay
3 kaso ang naitala sa bayan ng Mercedes, tig-2 kaso ang bayan ng San Vicente at Vinzons habang tig-iisang kaso ang nagmula sa bayan ng Capalonga, Paracale, San Lorenzo Ruiz at Sta. Elena
Bunsod nito, pumalo sa 1,871 ang total cases ng covid-19 sa lalawgan dahilan rin upang umakyat sa 478 ang aktibong kaso ng sakit
Habang nananatili sa 1,335 ang total recoveries at 79 ang total death toll
kung matatandaan, huling nakapagtala ng daily record high na 68 na bagong kaso ang lalawigan nitong ika-30 ng Agosto .
