19 anyos na lalaki patay nang tamaan ng kidlat sa Puerto Princesa

Patay ang 19-anyos na lalaki bandang alas 2:00 ng hapon nitong Biyernes , ika-1 ng Oktubre, 2021 matapos  tamaan ng kidlat.

Kinilala ang biktima na si Gincinth Dano residente ng Purok Silangan 1 Barangay Tagburos Lungsod ng Puerto Princesa.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Joven G. Baoya , 20 anyos kasama ng nasawi sa bangka ay dalawag beses umano tumama sa kanila ang kidlat nakatalon pa sa dagat sa  unang pagtama ng kidlat ang biktima at nang bumalik ulit sa bangka ang biktima sa ikalawang pagkakataon nang pagtama ng kidlat ay hindi na nakaligtas ang biktima at tuluyan na siyang tinamaan ng kidlat at nahulog sa bangka.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ayon kay Baoya nawala na siya sa sarili dahil sa lakas ng pagsabog ng kidlat at humingi na rin siya ng tulong nagsisigaw nalang siya para makahingi ng saklolo sa kasamahang bangka na may sampong metro ang layo sa kanilang bangka agad namang silang sinaklolohan ng tiyuhin ng biktima na kinilalang si Linicio Dano matapos ang aksidente na kung saan ay sampong metro ang agwat nito mula sa bangka ng biktima.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ayon naman sa tatay ng biktima na si Jacinto Dano 51 anyos ay isinugod kaagad sa pagamutan ang kanyang anak subalit bandang 12:00 ng gabi ay pumanaw din ang biktima.

Nagdadalamhati sa pagpanaw ang kanilang pamilya dahil nag-iisang anak lamang ang biktima ng mag-asawang Gina Dano at Jacinto Dano.