Bahay sa Puerto Princesa, tinamaan ng kidlat

Wasak ang dingding at sira ang mga kagamitan na nasa loob ng bahay matapos tamaan ng kidlat sa pagitan ng alas 2:00 hanggang alas 3:00 ng hapon nitong ika-1 ng Oktubre, 2021 sa Barangay Bacungan Lungsod ng Puerto Princesa.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Sa panayam ng Brigada News FM kay Zheun Fernandez, 23 anyos nakatira sa nabanggit na bahay nagulat na lamang siya ng makita na sira na ang kanyang mga gamit kabilang ang mga refrigerator, G-sat, speaker, extension wire , Charger, Wire, electric fan,  Cellphone at fuse.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Nadiskubre niya ito, isang oras matapos ang isang malakas na pagsabog na animo’y pinagsabay na kulog at kidlat.

Samantala, nagpapasalamat naman ang pamilya dahil noong mangyari ang pagtama ng kidlat ay walang tao sa loob ng kanilang bahay.