15 anyos na binata, patay sa atake ng buwaya sa Balabac

Dead on arrival matapos saklamin ng buwaya ang isang binata nitong ika- 2 ng Oktubre 2021 bandang 9:00 PM sa So.  Calogcog Barangay Ramos, Balabac, Palawan.

Ang biktima ay isang 15 taong gulang na menor de edad, mangingisda, at residente ng Bgy.  Salang, Balabac, Palawan.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ayon sa imbestigasyon, habang ang biktima kasama ang isa pa ay nangingisda nang biglang sumulpot ang buwaya at sinalakay sila. 

Mabilis silang umakyat sa bangka, ngunit sa kasamaang palad, nakagat ang biktima sa ulo at lumubog sa tubig at nalunod.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Bandang 9:19 ng Oktubre 3, 2021, narekober ang biktima sa tulong ng mga mangingisda sa lugar, nagtamo siya ng sugat sa kanyang ulo at idineklarang patay ng kanyang attending physician.