Party lawyer ni BBM, tumangging makipagdebate kay Guanzon

Ayaw ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) general counsel George Briones na kumasa sa hamon ni Commission on Elections commissioner Rowena Guanzon na magkaroon ng televised debate.

Binanggit ni Guanzon ang nasabing hamon kasunod ng panawagan ng PFP na siya ay maimbestigahan at ma-disbarr dahil sa pagbubunyag nito ng kaniyang boto na pabor sa diskwalipikasyon ng presidential candidate na si Bongbong Marcos Jr. mula sa 2022 elections.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Si Marcos ang standard bearer ng PFP.

Inisyal na tinanggap ni Briones ang hamon ni Guanzon, ngunit kalaunan ay tumanggi rin matapos sabihin ng poll commissioner na magka-brod sila ng nasabing PFP official sa Sigma Rho.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Ayon kay Guanzon, walang galang si Briones sa isang sister Deltan matapos siyang tawagin nito bilang “incorrigible narcissist”.

Ipinaliwanag naman ni Briones na hindi na niya tinatanggap ang hamon ni Guanzon sapagkat naniniwala siya sa kanilang Code of Action na magbigay ng “due respect” kung hindi pagmamahal sa isang sister Deltan.