18 kandidata, kalahok sa Mutya ng So.Cot 2024

KORONADAL CITY – LABING-walong mga kandidata ang magpapasiklaban sa Mutya ng South Cotabato 2024 sa buwan ng Hulyo, na isa sa mga highlights sa pagdiriwang ng ika-25 na T’nalak Festival at ika-58 na Foundation Anniversary ng lalawigan.

Sampu sa mga kandidata ang kakatawan sa mga local government units kinabibilangan nina: Chantelle Cloie Pecson ng Tampakan; Shylene Kaye Reyes ng Sto.Niño; Crinice Jean Daluz ng Tantangan; Rhean Myles Ruferos ng Banga; Janette Kaye Uy ng Tupi; Britney Wingene Sagra ng Surallah; Hazel Ann Anating ng Polomolok; Angelica Zonio ng Lake Sebu; Clara Michelena ng Koronadal City; at Angela Mae Bibat ng Norala.

Samantala, walo naman sa mga kandidata ang mga representante ng mga government at private entities na kinabibilangan nina Frezle Juana Verzo ng United Architects of the Philippines – South Cotabato Chapter; Gabrielle Giner ng PNP 12; Patricia Esquivel ng 2nd Congressional District Office; Anna Janela Muyco ng LTO 12; Izt Portes ng SOCOTECO II; Princess Nicole Bihag ng IVT Events; Arrisa Jean Enriquez ng NIA 12; at Addie Mariz Ng ng DPWH 12.

Mahigit sa 30 magagandang dilag ang lumahok sa screening ngunit 18 lamang ang mga napili bilang official candidates.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *