Epekto ng El Niño sa agrikultura sa Palawan, halos 1 bilyon na

Aabot sa halos isang bilyong piso na ang halaga ng pinsala ng El Niño Phenomenon sa agrikultura ng Palawan.

Ayon kay Provincial Agriculturist Dr. Romeo Cabungcal, ito ay base sa mga ulat ng bawat Agriculture Offices sa iba’t ibang munisipyo ng lalawigan.

Read More:  P398M Himamaylan loan-funded projects delayed by up to 1,286 days – COA

Malaking porsyento na naapektuhan dito ay ang produksyon ng Palay na aabot sa P700 Milyon ang kabuuang pinsala nito.

Matinding dagok umano sa agrikultura ang unti-unting pagkatuyo ng lupaing sinasaka kasabay ng pagbagal ng supply ng tubig sa iregasyon dulot parin ng matinding init ng panahon.

Read More:  At least 29 decomposing dogs and cats found in Bulacan vacant lot

Dahil dito, iminumungkahi na sa Sanguniang Panlalawigan ang pagsasailalim ng State of Calamity ang buong lalawigan dulot ng matinding epekto ng tag-init.