18 – arestado sa dispersal operation ng mga kapulisan sa barikada ng KOJC members

Mga taga-suporta ni Quiboloy – na-disperse na.

Ikinasa na ang dispersal operation ng mga kapulisan sa mga taga-suporta’t miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na nagbarikada.

Nagkaroon girian sa pagitan ng mga miyembro ng KOJC at kapulisan matapos nilang subukang pigilan ang ginawang dispersal operation ng mga otoridad.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Sa ngayon, naukopa na ng mga Pulis ang malaking bahagi ng CP Garcia Highway, kung saan ay umaabot sa harap ng Davao International Airport ang una nilang barikada.

Read More:  Ex-PNP Chief Nicolas Torre says he’s ready to help arrest Bato

Sa report na tanggap ng Brigada NewsFM Davao – 18 ang inaresto matapos umanong manlaban sa mga otoridad sa nasabing operasyon.

Inaalam pa ng Brigada kung may nasaktan sa nasabing dispersal operation. (with reports from JULIUS PACOT – 93.1 BNFM DAVAO)