China at Myanmar magsasagawa ng joint air-ground patrol sa live fire drill

Sisimulan na ng China at Myanmar ang isasagawang joint air-ground patrols.

Nakatakda silang gumawa ng military training sa iba’t ibang larangan tulad ng mabilisang paggalaw, blocking at control maneuver, joint strike, at pagpapanatili sa seguridad at katatagan sa mga border.

Magsasagawa rin sila ng live-fire exercise sa loob ng kanilang mga border.

Isasagawa ang mga military joint exercise sa timog na bahagi ng Ruli, Zhenkang County, Gengma Dai, at Va Autonomous County sa kanlurang bahagi ng Yunnan Province.

Ang mga naturang lugar ay nakaharap sa katabing bansa ng Myanmar.