3 estudyante, natong-its ng Plaridel MPS

Arestado ang tatlong estudyante matapos ang ikinasang anti-illegal gambling operation ng Plaridel Municipal Police Station sa Barangay Concepcion ng nasabing bayan nitong Huwebes, Mayo 30.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Ayon sa report, huli sa akto ang mga estudyante habang naglalaro ng tongits.

Nakumpiska sa mga ito ang isang (1) set ng barah at bet money na nagkakahalagang ₱1,645.

Read More:  Mother killed in alleged stabbing by son in Cebu

Samantala, agad namang pinalaya ang mga naaresto matapos makapagbayad ng kaukulang multa.