17-anyos na buntis, pumuslit ng marijuana sa rehabilitation facility

Nasa kustodiya na ng Operation Second Chance Center sa Barangay Kalunasan, Cebu City ang isang 17-anyos na buntis matapos mahuling nagpuslit ng mga pintuyong tanim ng marijuana.

Napag-alaman na bibisatahin lang sana ng buntis na si Alyas Yanyan ang kanyang kinakasama na nasa loob ng nasabing rehabilitation facility.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Ngunit napansin ng isa sa mga house parents o tagabantay na hindi mapakali si Yanyan ng nagsimula na ang pagkapkap rito.

Nadiskubre ang 14 na mga rolyo ng pinatuyong marijiuana na nakasiksik sa pang itaas na undergarment nito.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Depensa ni Yanyan, napag-utusan lamang umano sya ng kanyang kinakasama.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nasabing buntis.