Babae sa Negros Occidental na umanoy pwersahang pinasakay sa puting van, nakatakas

Nakagapos ang dalawang kamay at may tali rin sa leeg ng makita ng isang grupo  na naghahanap ng gagamba ang isang 21-anyos na babae na takot na takot at humihingi ng tulong sa Barangay Sampinit, Bago City, Negros Occidental nitong gabi ng Martes, Agosto 21, 2024.

Napag-alaman na ang  babae ay 3rd yr college student sa isang unibersidad sa Bacolod City at residente ng Binalbagan.

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Sinabi umano ng babae sa kanila na  habang naghahanap ito ng uulamin sa may Burgos Market,  bigla nalang umanong may kumuha rito na nasa apat na indibidwal at pwersahang pinasakay sa puting van bandang alas 08:00 ng gabi.

Pagdating sa Bago City bandang alas 10:00 ng gabi, nagkaroon umano ng pagkakataon ang nasabing babae na makatakas nang umihi at nanigarilyo umano ang pinaniniwalaang kidnappers.

Kaagad namang humingi ng tulong sa mga barangay tanod at kapulisan ang grupo  na nakakita sa babae.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Ayon kay Police Master Sergeant Erwin Jamandre, Police Investigator ng Bago City Police, patuloy ang kanilang imbestigasyon upang ma-verify na ang nangyari ay isa nga bang kaso ng kidnapping  lalo pa’t may mga inconsistencies umano sa statement ng biktima. Kaugnay nito, nanawagan sya sa mga residente na maging alerto at kaagad na mag-report sa kanila kung may mga kahinahinalang pangyayari at 24/7 umano silang magpapatrolya