16 na panibagong kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte naitala ng DOH Bicol kahapon

CAMARINES NORTE- Muling nakapagtala ang Camarines Norte ng 16 na panibagong kaso nitong Miyerkules June 30, 2021 sa ipinalabas na ulat ng DOH Bicol kahapon

Ang mga nagpositibo sa COVID-19  ay mga residente mula sa bayan ng Daet na may bilang na 9 , tig-da-dalawang kaso ang bayan ng Labo, Mercedes at Paracale habang isang kaso ang naitala mula sa bayan ng Sta. Elena

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Sa kasalukuyan,  ang lalawigan ay may kabuuang bilang na 932 at mula sa naturang bilang na ito 346 naman ang aktibong kaso .

Wala namang naitalang nakarekober at nasawi sa naturang sakit kung kaya ito ay nananatili sa bilang na 553 at 32

Ayon parin sa ulat, karamihan sa mga nagpopositibo sa kasalukuyan ay mga edad 21 hanggang 30 na gulang.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Patuloy naman ang pagpapaalala ng naturang kagawaran sa pagsunod sa mga Health Protocols upang maiwasang mahawahan ng sakit