15% dagdag singil sa tubig sa lungsod ng Sorsogon inaasahan sa huling quarter ng taon ayon sa PWSC

SORSOGON CITY – Kinumpirma ng Primewater Sorogon City (PWSC) na magkakaroon ng pagtaas ng singil sa tubig sa lungsod sa huling kwarter ng taon.

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay Engr. Hendrickson Latonio, ang Branch Manager ng opisina, sinabi nito na nakabatay ito sa naaprubahan ng mga opisyal ng kompanya para sa taong 2021 na dagdag taripa.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Ibig sabihin, sa ilalim ng 15% na pagtaas ay piso kada araw ang madadagdag sa babayaran ng mga concessionaires o kabuuang 30 pesos kada buwan kung saan tiniyak ng opisina ang mas magandang supply ng tubig sa mahigit 14K households sa lungsod gayung nalalapit na ang pagtatapos ng kanilang pipe replacement project.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur