Estudyante, arestado sa pagpupuslit ng marijuana; 1.2 million pesos nang inabandunang marijuana, narekober sa Kalinga

Arestado ang isang estudyante dahil sa pagpuslit ng marijuana sa Ileb, Nambaran, Tabuk City, Kalinga.


Kinilala ang suspek na si Allan Jay Yumul, 22-anyos at residente ng barangay Rosario, Santiago City.


Bago ang pagkakaaresto sa suspek ay nakatanggap umano ng impormasyon ang mga Rizal Municipal Police Station na may isang lalaki na lulan ng isang mountain bike na magbibiyahe ng marijuana mula sa Tabuk City.


Agad namang naharang ang naturang suspek ng mga kapulisan na na nakatalaga sa checkpoint sa Ileb, Brgy. Nambaran.


Matapos ang beribikasyon ay nakumpiska sa naturang estudyante ang 3 piraso ng marijuana bricks at 2 piraso ng papel na may lamang marijuana, isang cellphone at ang ginamit na bisekleta.


Tinatayang may Standard Drug Price na 360, 000 pesos ang halaga ng nakuhang marijuana.


Isinagawa ang naturang operasyon ng pinagsanib-pwersa ng Kalinga PPO, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Kalinga at iba pang PNP personnel.


Samantala, narekober din ng mga otoridad ang inabandonang mahigit kumulang 10 kilos ng dried marijuana leaves at stalks na may SDP na 1.2 million pesos sa Sitio Tanap, Brgy Buscalan Tinglayan Kalinga.


Nakasilid ang naturang kontrabando sa isang puting sako na pinaniniwalaang inabandona habang nagsasagawa ng Internal Security Operation ang kapulisan sa nasabing lugar.


Matapos maberipika ay sinunog ito ng mga operatiba sa mismong site.

Photo/ Kalinga PPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *