1.8M Pfizer COVID-19 vax doses na bigay ng US, natanggap na ng PH

Natanggap na ng Pilipinas ang kabuoang 1.8 million doses ng Pfizer COVID-19 vaccine na ibinigay ng gobyerno ng US sa pamamagitan ng COVAX facility.

Dahil dito, nasa 77,410,640 na ang kabuoang doses ng vaccine deliveries sa bansa.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. dahil sa mahigit 77-million vaccine doses na natanggap ng bansa simula noong Pebrero, ay malapit nang mabakunahan ang kalahati sa mga eligible population.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Kaugnay nito, sinabi rin ng Chief Implementer ng National Task Force Against COVID-19, na marami pang bakuna ang inaasahang darating ngayong buwan.

Hanggang sa katapusan ng Oktubre, makakatanggap ang bansa ng kabuoang 100 million vaccine doses. //MHEL PACIA-TRINIDAD