Mga sundalong Pilipinong nanindigan at ipinagtanggol ang teritoryo ng Pilipinas sa Ayungin Shoal, hinangaan ng AFP

“This is our territory!”

Ito ang sigaw ng isang sundalong Pilipino sa mga miyembro ng China Coast Guard (CCG), batay sa inilabas na photos at video ng Armed Force of the Philippines.

Ito’y matapos gumamit ang CCG ng pisikal na puwersa, armas, sirena, at bright lights upang pigilan ang AFP na namaghatid ng mga suplay sa panahon ng humanitarian mission sa BRP Sierra Madre.

Nangyari ang insidente sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas noong ika-17 ng Hunyo.

Binigyang pugay naman ang AFP ang tapang ng mga Pilipinong sundalo na lumaban at ipinagtanggol ang kanilang posisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *