14-anyos na dalagita natagpuang patay sa Camarines Sur nitong Bagong Taon

NAGA CITY- Hustisya ang sigaw ng kaanak ng 14-anyos na dalagita sa Pasacao Camarines Sur matapos patay na itong natagpuan sa Barangay Dalupaon hapon nitong Enero 1, 2022.

Inihayag sa Brigada News FM Naga ni PLt. Maria Victoria Regonaos , Deputy Chief of Police na mag-aalas sais ng gabi nitong Bagong Taon, nang makatanggap sila ng sumbong ukol sa natangpuang bangkay ng dalagita sa loob ng bahay.

Sa pag iimbestiga ng pulisya, bago ito nakisama pa sa kasiyahan sa compound sa lugar ang dalagita sa pagsalubong ng bagong taon.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Hindi pa uumuwi sa bahay ng tiyahing iniwanan sa kaniya kung kaya’t hinanap na. Laking gulat nang matagpuan sa bahay nito na wala nang buhay. Mag-isa sa bahay ang biktima ng mga oras na iyon dahil lumuwas muna ng Maynila ang tunay na guardian nito.

Kung kaya nagtaka ang iniwanang tiyahin na hindi pa pumupunta sa kanila na dating bago magdilim ay naroon na upang doon din matulog.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Inaalam pa ng PNP ang resulta ng medical exam upang malaman kung ginasaha ito bago pinatay.  Subalit narekober sa pinangyarihan ang bakal na umano’y posibleng ginamit na panghataw sa sa ulo at dibdib ng biktima.

Sinabi pa ng PNP na may person of interest na sila.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pangyayari.