2 katao arestado dahil sa ilegal na sabong sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Walang patawad ang dalawang suspek na nagsagawa ng ilegal na pagsasabong isang araw pagkatapos ng bagong taon sa Purok 4A, Brgy. Binanuahan, lungsod ng Legazpi.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Edwin, 53 anyos at si alyas Romeo, 56 anyos parehong residente ng nasabing barangay.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Ayon sa report, hapon ng makatanggap ng tawag ang mga awtoridad sa isang concerned citizen tungkol sa pagtutupada sa nabanggit na lugar.

Agad na pinuntahan ng mga kapulisan ang lugar upang beripikahin ang sinasabing pagtutupada.

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

Nang maabotan ng mga pnp personnel ay dito na tumampad sa kanila na aktong nagsasagawa ng ilegal na pagsasabong dahilan para arestohin ang mga suspek.

Narekober din sa kanila na dalawang panabong na manok at pera sa pagsusugal. Agad na dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.