132 BARANGAY SA QUIRINO PROVINCE, nagtanim ng 100 native trees bilang selebrasyon sa arbor day

Nagtanim ang nasa 132 na barangay sa probinsya ng Quirino ng tig-100 na native trees at ornamental plants kahapon June 25,2021 bilang parte ng selebrasyon ng Arbor day o Tree Planting Day.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, ayon kay Forester Estrella Passion ang OIC-PNREO ng Quirino, bawat barangay ay mandatong magtanim ng 100 punongkahoy o halamang pandekorasyaon upang mapalago at mapaganda ang ecosystem ng probinsya.

Personal namang dumalo si Quirino Province Governor Dakila Cua sa pagtatanim ng punongkahoy at ornamental plants sa Capitol Compound at Saguday Ecopark sa Cardenas.

Hinikayat din ng gobernador ang publiko na makilahok sa Arboy Day upang mapreserba ang kalikasan para sa mga susunod na henerasyon.

Layunin din ng probinsya na makapagtanim ng 1 milyong puno bilang parte ng 50th Founding Anniversary ng Quirino. Magugunita na isinabatas ang Arbor Day noong 2012 kung saan mandatong magtanim ng puno at ornamental plants ang mga probinsya, bayan at munisipalidad sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *