CITY OF ILAGAN, nananatili sa low risk epidemic classification

Nanatili ang City of Ilagan sa low epidemic risk classification at kauna-unahang siyudad sa rehiyon dos na naikategorya bilang low risk ng Department of Health.

Ito ang inihayag ni City of Ilagan Mayor Jay Diaz sa kanyang public address sa facebook page ng local na pamahalaan ng siyudad.

Aniya, sa nakaraang 2 linggo ay bumaba na sa -20% ang growth rate ng siyudad kung saan ang average daily attack rate o ADAR ng COVID-19 ay nasa 3.5%.

Sa ngayon ay nasa 45 na lamang ang aktibong kaso ng lunsod.

Napag-alaman din na sa nakalipas na isang linggo ay pumapalo lamang sa 2 kaso kada araw ang nitatala kumpara sa 8 recoveries na nitatala rin kada araw.

Ayon pa kay Mayor Diaz, malaki umano ang naitulong ng pagsunod ng bawat Ilague├▒os sa ipinapatupad na minimum health standards upang mapababa ang kaso ng COVID-19 sa siyudad at maiwasan ang local transmission.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *