126 farmers, nakinabang sa Free Tractor Services sa So.Cot

KORONADAL CITY- NASA 126 na mga magsasaka sa lalawigan ng South Cotabato ang nakinabang sa Free Tractor Services Program ng Office of the Provincial Agriculturist o OPAg sa loob lamang ng 3 buwan ngayong taon.

Ayon kay Field Operations Division Supervising Agriculturist Rommel Eladia na ang mga ito ay mga residente ng Tupi at Polomolok.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Naserbisyuhan ng programa mula Enero hanggang Marso ang higit sa 187 hectares na sakahan.

Sa Free Tractor Services, libreng pinapagamit ng provincial government ang mga traktora na may libreng krudo at tractor operator upang magtravaho sa mga sakahan ng mga marginalized farmers.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Sa ngayon, abala ang mga traktora ng OPAG sa land tilling operation sa Barangay Dajay, Surallah kaugnay sa ipatutupad na consolidated farming sa lalawigan.