DOH 12 nagbabala laban sa tigdas

KORONADAL CITY- NAKAPAGTALA na ang Regional Epidemiology and Surveillance Unit o RESU ng Department of Health (DOH) Region 12 ng 20 mga suspected cases ng measles-rubella o tigdas sa buong Soccsksargen Region mula noong Enero hanggang Abril ngayong taon.

Noong 2022, nasa sa 53 ang suspected measles-rubella cases sa rehiyon kung saan 3 ang laboratory confirmed, 10 ang clinically compatible measles, habang 40 naman ang discarded.

Read More:  Seven vehicles crash in Davao City, leaving one dead and three injured

Ang tigdas ay isa sa pinaka-nakakahawang sakit sa mundo.

Ito ay nagdudulot ng mataas na lagnat, rashes, ubo, eye infection, at maaari pang mauwi komplikasyon katulad ng pneumonia, ear infection, pagkabulag, severe diarrhea at pamamaga ng utak.

Read More:  Forced evacuations imposed in Pampanga and Bulacan as severe flooding worsens

Kaugnay nito, hinihikayat ng DOH 12 ang mga magulang na pabakunahan kontra sa tigdas ang kanilang mga anak.

Sa May 2 hanggang May 31, magsasagawa ang DOH ng measles-rubella at oral polio immunization sa mga kabataang may edad 59 months pababa.