Gesmundo, nanindigang mananatili ang Bar exams

Ibinasura ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang mungkahi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ibasura ang licensure examinations, kabilang na ang Bar exams.

Paliwanag ni Gesmundo, ginagalang niya ang opinyon ni Bello, pero kailangan parin na ipanatili ang bar exams upang masubukan ang kwalipikasyon ng mga nais makapasok sa legal profession.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Binigyang diin ng punong mahistrado na hangga’t ito ay nasa Rules of Court, patuloy na tatalima ang SC dito.

Sa ilalim ng Rule 138 nakasaad ang requirements para sa mga aplikante para makapasok sa bar maging ang tungkulin ng mga abogado.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Matatandaan na sinabi ni Bello na kailangang ireview ang pagsasagawa ng licensure exams, at iginiit na ang ilang taon sa edukasyon na sinamahan ng mga pagsusulit na dinadaanan ng mga estudyante bago maka-graduate ay sapat na para maihanda ang mga ito sa trabaho. // MHEL PACIA-TRINIDAD