CAMARINES SUR- Umabot na sa 120 ang pasaherong na stranded sa Pasacao Port sa Camarines Sur papunta sa San Pascual Masbate.
Sinabi sa Brigada News FM Naga ni CPO Santos Junio Jr, ng Philippine Coast Guard na nagkansela ng biyahe ang roro vessel bilang pag-iingat sa epekto ng Bagyong Egay. Bukod sa mga pasahero, stranded din ang nasa walong van.
Ayon pa kay Junio , batid naman ng karamihan sa mga pasahero na may sama ng panahon pero nagbasakali pa , ang iba s amga ito ay galing pa ng Baguio at Kalakhang Maynila, marami ang umuuwi dahil bakasyon na sa klase.
Inabisuhan nito ang mga pupunta sa Masbate na huwag na munang tumuloy hanggang hindi pa tuluyang nagiging maaayos ang lagay ng panahon.