120 new cases, zero death at recoveries sa covid-19, naitala sa Bicol Region

BICOL – PUMALO na sa 47,961 ang cumulative cases ng covid-19 sa Bicol region matapos na madagdagang ng 120 bagong nagpositibo sa sakit kahapon.

Base sa latest report ng Department of Health  o DOH-Bicol, may pinakamaraming bagong kaso ang lalawigan ng Camarines Sur sa 108 kung saan 26 nito ang naitala sa Naga City, 9 sa Tinambac, 7 sa Pamplona, may tig-lima ang Bula, Iriga City, Magarao at Sipocot, may tig-tatlo ang mga bayan ng Calabanga, Camaligan, Canaman, Libmanan, Milaor at Nabua, tigda-dalawa naman ang Baao, Buhi, Garchitorena at Lupi habang may tig-iisa ang mga bayan ng Gainza, Goa, Minalabac, Ocampo, Ragay, Sagnay, San Fernando at Tigaon.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Pitong bagong kaso naman ang naitala ng Albay kung saan may 4 ang Legazpi City, at tig-iisang bagong kaso ang mga bayan ng Daraga, Guinobatan at lungsod ng Tabaco.

Dalawa naman ang bagong nagpositibo sa Camarines Norte na sa bayan ng Daet at Jose Panganiban habang may dalawa rin ang Sorsogon na naitala naman sa mga bayan ng Castilla at Pilar.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Parehong zero new case naman ang mga islang lalawigan ng Masbate at Catanduanes.

Samantala, wala namang bagong naitalang gumaling o nasawi sa sa sakit sa rehiyon kung kaya’t nananatili sa 43,078 ang total COVID-19 recoveries habang nakapako naman sa 1,999 ang kabuuang bilang ng mga nasawi.

Kaugnay nito. patuloy ang panawagan ng ahensya sa publiko na matamang sundin ang  mga umiiral na minimum public health standards lalo na ngayong mayroong surge ng mga covid-19 cases at mga variants nito.