11-yr old na babaeng Cambodian, namatay dahil sa bird flu

Isang labing-isang taong gulang na batang babae sa Cambodia ang namatay dahil sa bird flu.

Ayon sa Cambodia’s Communicable Disease Control Department, nakaranas ng lagnat ubo at pamamaga ng lalamunan ang bata noong February 16 at kalaunan ay namatay sa ospital.

Read More:  U.S. disputes Iran’s control over Strait of Hormuz amid improved vessel traffic

Ito ang kauna-unahang kaso ng pagkamatay sa virus sa loob ng ilang taon sa bansa.

Sa isinagawang pagsusuri, lumabas na nakumpirmang positibo sa H5N1 virus o bird flu virus ang bata.

Read More:  Indonesia begins operation to right sunken ship; 129 people remain missing

Dahil rito, nanawagan na ang World Health Organization na maging vigilant matapos matuklasan ang bird flu sa mga mammals ngunit iginiit na mababa ang tsansa ng panganib nito sa mga tao.//CA