11 slaughterhouse sa Bicol, nagpapatuloy ngayon ang konstruksyon

LEGAZPI CITY – Nagpapatuloy ngayon ang konstruksyon ng 11 na slaughterhouse sa iba’t-ibang probinsya sa rehiyon ng Bicol.

Ayon kay National Meat Inspection Service (NMIS) Bicol Regional Director, Dr. Alex Templonuevo, may mga natapos na umanong slaughter house na ipinatayo ng Lokal na Gobyerno sa pakikipagtulungan sakanilang ahensya. Layunin umano nito na masiguro na ang lahat na binibili na mga baboy sa merkado publiko ay ligtas at walang sakit.

Read More:  Negros farmers revive coffee industry they once turned to charcoal

Sa datos ng ahensya, tapos na ang konstruksyon sa Buhi at Ragay habang tinatapos na lamang ang pasilidad ng LGU Bula, Calabanga, Pili Camarines Sur Tabaco City, Albay, Sorsogon City, Barcelona, Gubat Sorsogon, Vinzon Camarines Norte at Iriga City.

Read More:  Negros solon leads Army Reservists, eyes bill to recognize volunteer service

Ang nasabing pasilidad ay ipinapatayo ito ng Department of Agiculture sa ilalim ng Philippine Rural Development Project (PRDP).