CAMARINES NORTE – Nominado sa uli sa ikatlong pagkakataon ang Mercedes Critical Habitat and Mangrove Ecosystem sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte para sa 3rd Gawad Iba ka Juan: Search for Best Mangrove Award sa Bicol Region.
Nitong Biyernes ay nagsagawa ng validation ang Regional Office ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para makita ang aktwal na mangrove site na matatagpuan sa Barangay Catandunganon.
Gagawin ang awarding ceremony sa mga mananalo sa July 26, 2024 sa Legaspi City kasabay ng selebrasyon ng “International Day for the Conservation of Mangrove Eco- System.
Matatandaan na noong 2022 ay nakasama ang Mercedes Critical Habitat sa finalist para sa 2nd Best Mangrove Award ng parehong ahensiya. Noong 2020, 3rd placer ang Mercedes Critical Habitat sa Search for Best Mangrove Sanctuary sa buong Bicol Region.
PHOTO COURTESY: MUNICIPALITY OF MERCEDES – PUBLIC INFORMATION OFFICE
