11 pulis na sangkot sa pagdukot sa tatlong sabungero sa Cavite ni-relieve na sa pwesto

Ni-relieve na sa pwesto ang labing-isang pulis na inakusahan ng pagkakasangkot sa pagkawala ng apat na indibidwal sa Cavite noong nakaraang taon.

Ito kasunod ng isinampang kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) laban kina Police Lieutenant Colonel Ryan Orapa na dating namuno sa Regional Drug Enforcement Unit ng NCRPO.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Na-relieve din sina Police Lieutenant Jesus Menez, Police Staff Sergeant Ronald Lanaria, Police Staff Sergeant Ronald Montibon, Police Staff Sergeant Troy Paragas, Police Staff Sergeant Roy Pioquinto, Police Staff Sergeant Robert Raz Jr., Police Corporal Christal Rosita, Police Corporal Denar Roda, Police Corporal Alric Natividad, at Police Corporal Ruscel Solomon.

Nauna nang nagsampa ng reklamo ang NBI Task Force Against Illegal Drugs laban sa 11 dahil sa kidnapping, serious illegal detention, at anti-enforcement ng Involuntary Disappearance Act.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Ang mga reklamo ay kaugnay ng pagdukot sa tatlong lalaki na umano’y sangkot sa sabong—kabilang ang magkapatid na Gio at Mico Mateos, at kanilang kaibigan na si Gary Matreo—sa Alfonso, Cavite noong Abril 2021.