Limang kalalakihan sa bayan ng Capalonga nalambat ng mga awtoridad dahil sa iligal na pangingisda

CAMARINES NORTE- Arestado ang limang kalalakihan  nitong weekend dahil sa iligal na pangingisda sa Barangay Del Pilar, Capalonga, Camarines Norte.

Ang mga naarestong personahe ay kinilalang sina alyas “Lon”, 27, alyas “Jay”, 27, alyas “Aye”, 43, alyas “Mel”, 24 at alyas “Tony” 41 pawang mga residente ng  P-6, Brgy San Lorenzo, Sta Elena parehong lalawigan.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Batay sa Police report, naaresto ang mga nabanggit na personahe ng pinagsanib na pwersa ng mga kapulisan at Governor’s Special Action Group (GSAG) makaraang mahuli umano sa akto na nagsasagawa ng iligal na pangingisda sa nasambit na lugar.

Nakumpiska sa nasabing operasyon ang isang pinong lambat, dalawang steel/wooden board at iba’t ibang uri ng isda.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Ang mga naarestong personahe at mga nakuhang ebidensya ay kasalukuyang nasa ilalim ng pangangalaga ng Capalonga Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon.

Matatandaan na noong nakaraang linggo  langay mahigit sampu katao ang nahuli sa bayan ng Vinzons dahil sa kaparehong paglabag.