OCTA aminadong nahihirapan sa pagmonitor sa mga bagong COVID-19 variants

Aminado ang OCTA Research Group na ang pagdaragdag ng mga bagong variant at subvariant ay naging mas mahirap para sa kanilang COVID-19 monitoring.

Sa ginanap na Balitaan sa Maynila forum sinabi ni OCTA fellow Guido David mas challenging ngayon ang pagmonitor sa mga variant at subvariants dahil sabay-sabay ang pagdating nito hindi katulad dati na paisa-isa lang.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Ayon kay David mahirap na umanong tandaan at nakakalito na dahil sa dami.

Ginawa ni David ang pahayag ilang araw matapos matukoy ng Pilipinas ang Omicron subvariant na XBB at XBC.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Sa pagpasok ng mga subvariant sa bansa, naniniwala si David na maaaring magresulta ito sa iba’t ibang “surge” o pagkalat ng COVID-19 sa komunidad.

Ngunit idiniin naman nito na hindi dapat mabuhay sa takot ang bansa dahil sa mga bagong variants ng sakit.