11 estudyante sugatan sa pagsabog sa loob ng unibersidad sa Cameron

Sugatan ang 11 estudyante matapos ang pagsabog na naganap sa amphitheatre sa University of Buea sa South-West region ng Cameron.

Ayon sa report, ilang hindi nakilalang lalaki ang nakita sa unibersidad bago ang pagsabog.

Nagtipon-tipon ang mga estudyante sa venue para sa isang peace event nang mangyari ang insidente.

Read More:  Ebola death toll in Congo surpasses 5,000 amid widening outbreak

Dahil sa pangyayari, sinabi ni University Vice Chancellor Ngomo Horace Manga na mas hihigpitan ang seguridad sa paaralan.

Matatandaan na naging target ng mga separatist groups ang mga education institution sa lugar bilang pagpapakita ng kanilang pakikipaglaban para sa independence ng South-West at North-West English-speaking regions.

Read More:  Over 400,000 respiratory infection cases recorded in Indonesia amid wildfires and haze

Napag-alaman din mula sa International Crisis group na umabot na sa 3,500 na tao ang napatay sa nakalipas na apat na taon.