11 bagong silang na sanggol, patay matapos masunog ang isang ospital sa Senegal

Senegal— Kalunos-lunos ang sinapit ng 11 mga bagong silang na sanggol matapos  na masunog ang isang pagamutan sa bansang Senegal.

Batay sa ulat ng mga otoridad, hindi nailigtas ang 11 sanggol nang tupukin ng apoy ang neonatal  department ng Mame Abdou Aziz Sy Dabakh Hospital sa Tivawan City sa nasabing bansa, Miyerkules ng gabi.

Read More:  Several Florida polling precincts moved due to heavy rain and flooding

Lumalabas sa imbestigasyon na “electrical short circuit’ ang sanhi ng naturang sunog, kung saan batay sa ilang mga nakasaksi ng insidente, nahirapan umano silang isalba ang mga nasabing biktima dahil sa makapal na usok at power outage.

Read More:  Over 400,000 respiratory infection cases recorded in Indonesia amid wildfires and haze

Sa kasalukuyan, nag deklara na ng ‘three days of mourning’ si Senegal President Macky Sall, habang nagpapatuloy rin ang malalimang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy kung may kapabayaan ang nasabing pagamutan hinggil sa insidente.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol