Nilinaw ni Department of Agriculture (DA) Asec. Arnel De Mesa na gobyerno ang pwedeng magbakuna ng bakuna laban sa ASF.
Ito ay matapos aprubahan ng Food and Drug Adminstration ang vaccine para sa controlled and monitored vaccination.
Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay De Mesa, sinabi nitong ongoing ang procurement nito, at inaasahang matatapos ang procurement sa 3rd quarter ng taon.
Naglaan na aniya ang ahensya ng P350M para sa 600,00 doses ng bakuna.
Dahil umano sa biglaang pagdami ng ASF cases, pinahintulutan na ang emergency procurement ng 10,000 doses.
As of August 8, mayroon nang 251 active cases ng ASF mula sa ilang mga barangay.