Nandigan ang Iran na itutuloy nila ang pag-atake sa Israel sa kabila ng panawagan ng United Kingdom at ilang mga western countries na tigilan na ang tangkang pag-atake sa naturang bansa.

Ayon kay Iranian President Masoud Pezeshkian, ang hakbang na ito ay bilang pagganti sa ginawang pagpatay kay Hamas leader Ismail Haniyeh.
Giit pa ni Pezeshkian, karapatan ng Iran na gumanti sa Israel.
Samantala, sinabi ni White House national security spokesperson John Kirby na pinalakas pa ng Amerika ang kanilang regional forces at handa rin aniya silang umalalay sa Israel sakaling matuloy ang pag-atake ng Iran.