Bilang ng CTG members at mga supporters na napatay at sumuko, umabot na sa halos 1, 400

Umabot na sa halos 1,400 ang bilang ng mga miyembro at taga suporta ng Communist Terrorist Group ang napatay at sumuko sa pamahalaan.

Sa Kapihan sa Bagong Pilipinas, sinabi ni AFP Spokesperon Col. Francel Margareth Padilla, na ang bilang ay mula January 1 hanggang August 8 ngayong taon.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Mula sa kabuuang 1,367 members at supporters na na-nuetralize ng pamahalaan, 1,169 ang sumuko sa pamahalaan, 101 ang naaresto at 97 ang napatay sa mga military operations.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Habang 751 firearms at 237 anti-personnel mines ang isinuko at nakumpiska ng militar.

Samantala, iniulat din ni Padilla na nasa 176 local communist terrorist group ang na-nuetralize ng pamahalaan.

124 rito ang sumuko, 46 ang napatay at 6 ang naaresto.