10 wheeler truck na lulan ng sako-sakong semento, binangga ang center island sa bayan ng DOS

Sa layuning maiwasan na makapaminsala ng buhay ng tao, minabuti na lamang ng isang driver ng 10-wheeler truck na ibangga sa kongkretong center island ng bayan ng DOS ang minamaneho nitong sasakyan pasado alas kwatro nitong hapon ng Sabado, July 27, 2024.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Inihayag ni Jhuneil Labajo Santos 35 anyos na residente ng General Santos City na nawalan umano ng preno ang kanyang minamanehong 10-wheeler truck lulan ng sako-sakong semento pagsapit sa pababang bahagi ng national highway sa kanto Broce malapit sa traffic light.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Kung hindi anya nito ginawa na salpukin ang kongkretong center island ay posibleng maraming mga sasakyan ang madadamay at baka may buhay pa na mawala dahil sa pangyayari.

Sa ngayon nasa kostudiya ng DOS PNP ang sasakyan gayundin ang driver para sa dagdag na imbestigasyon.