Panggugulo sa mga barangay ng Datu Odin Sinsuat itigil na – Mayor DLS 

NAKIPAGPULONG si Mayor Datu Lester Sinsuat sa ibat-ibang unit ng kapulisan at kasundaluhan upang talakayin ang nangyayaring tensyon sa coastal barangay ng bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong Sabado.

Ginawa ang pagpupulong kasabay ng Emergency MPOC Meeting nitong Sabado ng umaga sa conference room ng municipal hall sa Barangay Población Dalican.

Read More:  Seven vehicles crash in Davao City, leaving one dead and three injured

Sinabi ng alkalde na nais nyang matapos na ang pangyayaring ito at hiniling ang karagdagang checkpoint sa lugar.

Nakiusap din sya sa mga nasa likod ng harassment na itigil na ito.

Read More:  17-year-old girl dies in drowning in Cebu as father raises foul-play concerns

Isa sa mga napagkasunduan ay ang gagawing clearing operation ng PNP at AFP sa lugar at kahapon nga ay isinagawa ito para matiyak na ligtas na makabalik sa kani-kanilang mga tahanan ang mga pamilyang lumikas dahil sa pangyayari.