Nakiisa ang Brigada Group of Companies sa Brigada Eskwela 2023 sa iba’t ibang paaralan sa Olongapo City at San Marcelino, Zambales.
Sampong paaralan ang pinagkalooban ng kompanya ng mga kagamitang kinakailangan sa eskwelahan tulad ng ilang construction materials, printer, pintura at school supplies para sa mga mag-aaral.
Sa San Marcelino, kabilang sa benipisyaryo ang Lawin Elem. School at ang Baliwet Elem. School.
Sa Olongapo City naman ay ang Nellie Brown Elem Sch, Kalalake Elem Sch, Amelia Heights Elem Sch, Iram 1 at 2 Elem Sch, Gordon Heights II Elem Sch, James L Gordon Integrated Sch at ang Bangal Elem Sch.
Laking pasasalamat naman ng mga pamunuan ng eskwelahan lalo na ang mga lugar na may kalayuan sa kabayanan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
